Fallout;

++ Friday, May 04, 2007 ++

hayz..tagal kong hindi nkapg blog ah.. hehe.. pero alam ko okei lng kase wala naman nagbabsa ng blog ko e..haha..=(..bleh!

aun..busy ang buhay ko masydo fling artista sa hectic ng sched ko..lol.. nkakapgod mag summer class sa totoo lng fling ko bago matpos tong summer class ko eh balat na lng ako.. pano ba naman sobrang kakapgod, hindi lng physical pati mental nkakapgod.lalo na sa chem..huhu.. sana mapsa ko naman inorganic chem ko..sana sana pls..hehehe..ito pagod pa din ako..nag update lng ako khit papano dto sa blog ko..gue byez!


------------------------------------

++ Saturday, April 21, 2007 ++

KWENTONG PANG JEEPNEY




Uuwi ulit akong mag-isa.


Haay, salamat naman at uwian na. Kanina pa ako inip na inip umuwi, aba ang hirap atang mag aral ng 8-4pm. Galing ko na ngang matulog ng dilat eh, sakit nga lang sa ulo. Paalis na sana ako ng biglang nag-text yung pinsan ko at hihintayin nya daw ako sa baba ng building para sabay na kaming umuwi. Kaya hayun, nagsinungaling na naman akong kunwari ay may gagawin pa ako para lang maiwasan sya.Ewan ko ba, bakit ayokong may kasabay samantalang yung iba ay naghihintay o di kaya ay may susunduin pa para lang may makasabay sa pag-uwi. Hindi naman ako loner, basta lang gusto ko mag-isa akong umuuwi. Gusto ko wala akong kakilalang kasakay sa jeep. Gusto ko mag-isa lang ako sa byahe.Ano nga bang meron sa jeep? Ano nga bang nangyayari sa byahe ko pag-umuuwi ako?Madami. Iba-ibang klaseng tao. Iba-ibang klaseng komedya.


Case # 1"Aray, ano ba?"Madalas na dialogue ng mga babaeng feeling commercial model ng shampoo kung ipatangay sa hangin ang buhok. Mga walang pakialam kahit na ang mga katabi nila ay hirap na hirap na sa pag-iwas sa paghampas nito sa mukha nila. Kaya ako kapag di na ako makapagpigil, hinihila ko na yung buhok, sabay sorry kunwari akala ko buhok ko yun. At kapag sinusumpong ako, kinakalabit ko na at sinasabihan kong hindi ako kumakain ng buhok.


Case # 2"Blah, blah, blah...'Mga taong feeling sila lang ang sakay na kung mag-usap ay dinig ng lahat ng pasahero. Nakakaaliw sila minsan lalo na't mahaba ang byahe at walang radyo yung jeep. Pampalipas oras din sila, minsan nga gusto ko ng sumabat dun sa kwentuhan nila lalo na kapag nakaka-relate ako. Pero kapag inaantok ako at di na makapagpigil tinitignan ko sila na parang gusto kong dukutin ang lalamunan nila. haha.. =p


Case # 3:"Pakiabot lang po..."Kapag napaupo ka ng medyo malapit-lapit sa driver, asahan mong magiging taga-abot ka ng bayad. Ok lang sana yun eh, hwag ka lang makaka-tyempo ng driver na may pagka-manyakis na nanadyang manghaplos ng kamay. O kaya naman ng driver na parang di pa ata nakakaalam na uso na ang deodorant. O kaya naman ng driver na mas malakas pang bumuga sa tambutso nya ang bunganga. Syempre wala naman akong magawa kundi ang magtakip na lang ng ilong at umurong agad kapag medyo lumuwang. At meron namang mga pasaherong sobrang bait na hindi ka pa nakakapagsalita ay kinukuha na sa kamay mo ang bayad mo. Meron din syempreng matatapang na kapag hindi mo nakuha agad yung bayad nila ay medyo itataas ang boses at may kasama pang ismid. Hay naku, pede ba wala akong kumisyon sa pag-abot ng bayad nyo ha. haha


Case # 4:"Makikiusog nga..."Para sa mga kung umupo ay kala mo pang-dalawang tao ang binayaran. May mga babaeng kung umupo ay nakalihis, walang pakialam na yung katabi nya kalahating pwet na lang ang nakaupo. Meron din mga lalaking kung makaupo ay halos mangingimi kang tumingin sa kanya dahil sa laki ng pagkakabukaka. Animo'y may kung anong pinoprotektahan sa pagitan ng kanyang mga hita.Kapag ipit na ipit na ako, sinasabayan ko ang pag-preno ng mama sa pag-usog.Pasensyahan na lang kung mapalakas.


Case # 5:"Ooozzz..."Wala namang masama kung matulog ka habang nasa byahe, pero sana iang walang dantayan at basagan ng bao o di kaya ay matuluan ng panis nyang laway. Kapag may katabi akong natutulog na, hinahayaan ko lang (syempre alangan namang pigilan ko) at kapag babagsak na ung ulo nya sa 'kin, bigla kong ibinababa balikat ko para magulantang sya. Pero kapag maganda, ibang usapan na yan. Itinataas ko pa balikat ko para makahilig at ng makatulog sya ng maayos at ok lang na magka-untugan kami, malay mo magpakilala pa sya, asa pa.


Case # 6:"Mama, para ho..."May mga driver na di mo mapipigilang mapamura sa sobrang tagal bago huminto na halos kailanganin mo ng sumakay pabalik sa layo ng pinagbabaan sa 'yo. Meron namang hihinto kahit na sa gitna ng kalsada mabawasan lang agad ang sakay nya. At meron ding halos mahalikan mo na yung katabi o kung minalas-malas ka ay mahuhulog ka pa dahil sa biglang pagpreno nya. May mga pasahero namang hindi pa nakuntento sa pagkalakas-lakas na pagsabi ng para at kumakatok pa sa bubong. Merong namang magbabayad kapag pababa na at may gana pang magalit kapag hindi agad naihinto ang sasakyan. At syempre merong mga nagmamadaling akala mo ay mauubusan ng lupa kung bumaba, kasehodang mabunggo at matapakan nyang lahat ng daraanan nya. Pero pamatay pa ring yung minsang may nakasakay akong mama na pagkalakas-lakas at paulit-ulit na sumisigaw ng "Bayad ho, bayad ho, bayad ho..." Syempre yung driver, kuntodo extend ng kamay nya. Nakatingin na lahat dun sa mama na kumakatok-katok pa sa bubong ng jeep. Sabay naalala nyang "Para" pala ang dapat nyang isinisigaw. Nyahaha...tawa ko ng tawa pagkababa nung mama!


Case # 7:"Love birds..."Syempre pa, hindi mawawala ang mga mag-syotang kala mo may sariling mundo na kung maglampungan ay parang mga pusang di mapakali. Libreng sine 'to, rated 18, kaya lang nakakabitin din lalo na kapag nauna kang bumaba sa kanila. Meron tuloy mga lalaking 'nag-iinit' at biglang bibitaw ang kamay sa pagkakahawak sa bakal para kunwari mapapasubsob sa katabi nila o kaya naman bigla mong mararamdaman na yung siko nila nasa tagiliran mo na. Sarap dagukan ng mga ganung lalaki. Di naman sa nakikialam ako, pero wala namang inggitan...


Case # 8:"Estudyante blues..."Maraming estudyante na nagbabasa ng libro sa loob ng jeep habang nasa biyahe. yung iba sa sobrang ganda ng binabasa ay nadadala sa kwento...'Yung nakasakay ko minsan na dalagita ay taimtim na nagbabasa ng "Noli Me Tangere". Hindi nya napansin na malapit na syang pumara at sa gulat na bababa na pala siya ay mahinhing sinabi sa driver "Paalam". Naku, tawa kami ng tawa sa kanya, pati nga sya ay natawa rin sa sinabi nya. Hay naku, ilan lang yan sa mga nararanasan ko kapag umuuwi ako. Dami pa kong kwento kaya lang uwian na eh. Magbi-byahe pa ako. Sasakay na ako ng jeep. Uuwi ulit akong mag-isa.


------------------------------------

++ Wednesday, April 11, 2007 ++

ACCIDENTALLY We're BACK AGAIN in 4th year mode.. lolx


Kahapon part2 ng enrollment ko para sa summer eh unfortunately hindi ako sinipot ng bestfriend ko para samahan ako magpa enroll kaya aun mag isa lng tuloy ako magbalik balik sa mga building sa skul para kumuha ng mga sched.. hehe! kaya un after ko magbayad sa mala wowowee na pila sa cashier eh nagulat ako at nakasalubong ko ung ex ko ng 4th year! haha.. la langz.. nkakatuwa kase siya pa unang nag approach sa kin.. hihi.. kapal kew noh.. haha.. actwally malayo pa lng nakita ko na xa nagkunwari lng akew na hindi ko siya nakita para siya unang pumansin sa ken.. haha! aun, eh tapos na siya magreserved daw ng block kaya aun sabi ko pede niya ba akong samahan magpa enroll.. hehe. buti nga at sinamahan niya ako kaagad.. wee! aun habang nasa mga pilahan kami eh rami niyang npagkwentuhan.. dun ko lng din nalaman na kgagaling niya lng din pala sa break up.. weh.. pero hindi ko na kiniwento sa knya ung tungkol sa huli kong lovelife kase for sure mgagalit sa kin.. hehe.. kaya aun siya na lng pinag kwento ng pinagkwento ko! haha.. after niya ko samaham magpa enroll para sa summer eh nagyaya siyang magpunta kmi ng sm manila kaya aun nag sm manila kami.. hehe.. tapos kwentuhan ule.. haha.. hayz basta ang saya ko kahapon sobra.. hihi..


------------------------------------

++ Monday, March 26, 2007 ++

AKO AT SI POTPOT!!

Nung mga oras nagkukulitan kami ng pamangkin ko.. Umalis kc mommy niya ako muna nag alaga.. buti nga eh noh para habang bata pa ko marunong na ko magalaga ng bata.. hihi.. nkakatuwa kasi ang kukulit nila.. pero minsan nakakainis pag nghahagis ng kung anung gamit na mahawakan.. hehe. aun kulitan to the max kami isa pang kinatutuwaan ko dto sa pangken kong c potpot eh pag mag shot ng pic sa cp tlaga nagpopost pa.. haha.. manang mana sa pinagmanahan.. ahem! hahaha.. hihi.. naiisip ko nga habang lumalaki itong pamangken ko tumatanda na din ako.. haha .. tapos balang araw ako naman magkakaron ng ganto.. nax. sana una kong anak eh lalake tapos bunso babae.. naku ako magbibigay ng pangalan nila isusunod ko sa fave anime kong naruto! tignan naten kung may katulad pa clang pangalan! hehe.. pero malayo pa naman un at sana pumayag ung mgiging asawa ko na aun ang pangalan nila! haha..


------------------------------------

++ Tuesday, March 20, 2007 ++


Sa panahon na kala mo eh nagiisa ka lng sa buhay ay hindi pla totoo ung ganun kc kahit papano eh nandyan ung mga mtatawag mong kaibigan tlaga.. hehe.. saya kew kc khit nlaman nila ung ngyari eh walang nagbago sa mga pagkakaibigan namin.. Kanina after ng unang exam ko sa college algebra.. nagpunta ako ng SV canteen.. gulat ako konti lng tao mga dose lng cguro kmi dun.. naalala ko exam lng pala ngaun kaya konti lng tao.. dun muna ako habang hinihinty ko ung time ko sa Data structure.. sa subject na un eh wala akong classmate na ka block ko dati kc na dissolve ung original dsa section na na enrollan ko kaya singit lng akew dun kaya magisa lng ako tuloy.. hehe.. aun dun ako.. nag review sandli tapos nyun sounds sounds sa ipod kew.. maraming bumabagabag sa isip ko, sabi ko sana wala akong bagsak this sem kundi yari na naman ako kay papa.. hehe.. hindi ko namalayan eh tulala pla ako habang nakikinig ng music sa ipod ko.. gulat ko na lng eh biglang may tumapik sa balikat ko.. aun ung ex ko nung hyskul.. nangamusta lang siya, nagtanung pa kung bkit nagiisa lng ako eh siya rin naman nagiisa lng din.. hehe.. pero kelangan niya na agad umalis kc may exam pa siya.. after mga 5mins cguro eh bigla naman dumating ung classmate ko sa isa kong subject na babae.. hindi naman kmi ganun ka close pagdating sa subjct na pareho kmi pero ang gulat ko eh lumapit siya para magtanung kung nkapag pasa na daw ba ako ng project sa ITC.. xempre hindi pa kc ngaun ko pa lng gagawin un eh.. hehe.. aun wala pa naman siyang subject kaya naki upo muna siya sa table ko.. biglang tanung niya.. kung gf ko daw ba ung lgi kong ksama na babae.. sabi ko sa sarili ko.. hanggang ngaun ba naman.. argh.. sinabi ko na lng hindi, close lng kmi.. hehe.. mas mabuti na ung ganun ang sagot ko.. sabay bawi ng tanong ko sa knya kung may bf na siya.. sabi niya naman wala.. gulat ko sa ganda niyang un wala siyang bf pero sabi niya may mga nanliligaw naman daw sa kanya.. hindi ko napigilan sarili ko at medyo nakwento ko sa knya ung totoong ngyari sa min.. nung una hindi siya makapaniwala.. nsabihan niya pa ngang malandi si joy.. bkit daw siya pumtaol sa ken eh may bf na pala siya.. uhm.. sabi ko na lng wala na un.. sabi ko pa nga aus na kami naguusap na kmi ule.. khit hindi naman totoo.. para lng matigil siya galit kay joy.. akalain mo dahil dun eh nging close kami.. after nyun sabay kming pmunta sa CS bldg kc pareho kming ng bldg ng pageexaman.. xempre nag thank you na din ako sa knya kc khit papano napasaya niya ko sa mga kwento niyang kalokohan..at nging close kami..sabi ko pa nga sa knya wag niya na ikwento sa iba lovelife ko bka sumikat lng.. haha.. aun.. magkikita naman kmi ule sa fri kc exam namin sa subject na pareho kami..


------------------------------------

++ Monday, March 19, 2007 ++


BUTI NA LANG HINDI PANAGINIP..
kahapon nung nalaman ko sa kanya pagkadating ko ng bahay natulog ako.. nagbabaksali na bka panaginip lng ang lahat.. pero totoo pala.. buti na lng totoo kasi napagisip ko na kelangan pa ba ako samplim na kung sino diyan para magising ako sa katotohanan na hindi tlaga ako posibleng mahalin ng tuluyan ng taoang mahal ko. tama na! ayoko na din isipin uli yon..
Kanina sa skul, tulad ng inaasahan ko.. pagkadating ko na rum kasi exam lng naman.. wala pa siya.. nagtataka mga classmate ko bkit hindi sabay pumunta sa rum.. tanung sila ng tanong.. bka kung anu pa msabi ko, kaya lumabas na lng ako para mag cr.. pagkabalik ko ng rum, medyo gulat kc nandun na siya.. hindi ganun kalayo ang upuan ko sa knya knina.. eh ilang ako sa kanya at aun ang totoo hindi ko alam kung panu namin haharapin ang isat isa.. kaya ginwa ko nkipagplitana ko ng upuan sa kabarkada ko.. dun pa lang halata na ng mga classmate nmin na may ngyari hindi maganda sa min.. kaya ung bestfriend ko pilit ng pilit kung anu ngyari sa min.. eh ayoko tlaga magslita.. basta sabi ko sa knya wala na lng.. aun at nagsimula na ang exam namin.. sabi ko sa sarili ko kanina kung kayo ko sagutan ng mas mabilis ung testpaper gagwin ko para makalabas ako agad sa rum.. at pmunta kung san ka gusto.. at aun nga nasgutan ko naman ng mabilis kc theology lang naman un.. sabi ko sa bestfriend ko hindi ko na siya hihitayin dahilan ko uuwi ako agad.. pero aun naman tlaga ginwa ko.. hanggat maari ayoko kc ng nkikita siya kc nasasaktan lng ako.. pero dumaan muna ako sa org rum namin para magpa attendance.. buti na lng nandun ung lgi kkong kaasaran kaya kahit papano ngumiti ako knina.. after nyun umuwi ako agad..
Ito na lang.. hindi naman toh pang habang buhay na sakit.. bata pa naman akew at maraming darating diyan cguro.. weh.. lakas tama na ko at nagbibigay ako ng advice sa sarili ko! haha


------------------------------------

++ Sunday, March 18, 2007 ++


wasted me..




I got this txt message ngaun lang habang nsa internet shop ako.. Im rily suprised kc knina ko pang umaga hinihintay ung txt niya bcoz hindi kami magkikita ngaun and wala namana kong exam ngaung araw.. nagulat ako na ang nabsa ko sa txt ay "fergie nahihirapan na ko, ayokong msaktan ka pero ganon din naman kung pagpapatuloy pa ntin" ung iba sa kin na lng..hindi ko na sasabhin lahat.. ung nraramdaman ko ngaun hindi ko mapaliwanag.. gusto kong umiyak pero hindi ko magawa kasi nandito nga ako sa shop.. bglang nwala ako sa konsetrasyon habng nagdodota kami.. nag quit nga ako bigla sa laro namin, ngalit pa ung kakampi ko.. Hindi ko alam, cguro ganto tlaga.. tutal malapit na din naman magtapos ang 2nd sem kya hindi na kami magkikita.. Hindi natupad ung mission ko na tuluyan ko siyang maagaw sa bf niya.. kasi mali naman tlaga.. hindi ako pedeng mgalit sa bf niya kasi ako lng naman ang sabit.. Gulong gulo ako ngaun kelangan ko na lng tanggapin cguro na realized niya ng mas mahal niya tlaga bf niya at ako ewan lng sa kanya.. asus, hay.. buhay.. kinewento ko na agad habang ung emosyon ko nandto pa.. ang hirap ito na naman ung nraramdamang kong naninikip ung dibdib ko.. mabuti na rin cguro ung ginawa niyang iwan ako para ma realized ko na hindi niya talaga ko kayang mahalin.. ok fyn! ang ganda naman ng inspiration ko dis week exam week.. hay.. =(.. parang kanina lang ang saya saya ko ngaun biglang..hay..after nito uuwi na ko..itutulog ko na lng toh..




------------------------------------
SUMMER NA!

naku nalalapit na naman ang sumer! weh.. so far wala naman plano ang barkada kasi may pasok kami sa summer! haha.. oo tama! kahit summer eh aral pa din.. huhu.. kelangan ko kc marami akong hindi nakuha dis 2nd sem! argh! actwaly exam week namin naun finals.. la lang! parang wala lang sa kin kc konti lng naman units ko kaya medyo hindi ako ntataranta. pero ung mga project naku hindi ko pa ngagawa! waaaaa! mamaya na lng cgruo pag cnipag ako... kung sisispagin ako! haha! eh mukang nkakatuwa mag dota ngaun eh lalao na kung pustahan! haha.. medyo wala ako sa mud mag blog kc ang rami kong iniitindi na gagawin.. haha.. pero aus na toh alis nakapg update ako.. knina pumasok pa ko ng skul para lng magbayd ng tuition eh kaso kulang naman kasi may balance pa kaya aun kelangan ko agahan bukas para hindi ako abtuan ng exam time ko!

bukas exam ko sa theology 10-12pm ..

tingin ko naman papasa ako dun! haha.. pramis! hehe


------------------------------------
Fallout Boy

Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting fergie paul esguerra. POLPOL. 17. sta.ana/LagunaBeach. dec20. Adamson-Manila. 1stYr. stars. 0counterstrike. gunbound. RAN. DOTA. summer. beach. stars. vintage. colors.anime. pictures. tokyotokyo. fridays. mojos. peanutbutter&banana. french toast. pizza. chocolates. dips. mrChips. isaw. Mcdo. fashion. kidsofBayo. poloshirts. bodybag. rubbershows. jeans. animeweek. Heidi Klum. Nicole Hernandez. Ambrosio. Paris Hilton. Debra Wilson. Onetreehill. theOc. VeronicaMars. Niptuck. ANTM. Friends. Gavin Degraw. Falloutboy. PanicAtDisco. Moony. HedKandi. Kascades. Bonethugs. Tupac. AdobePhotoshop. blog. icons. spongebob. penguins. chickensoup. harrypotter. theTerminal. BringItOn. theUnderworld. TextUnlimited. Calculus. Drawing. Walkways. whew^_^.


17 going on 18





stuff
Photobucket - Video and Image Hosting
apple juice, blogging, blogskinning, cheese fries, cookies, chocolate, computer, digital art, F.I.R, flowers, french, holidays, ice-cream, internet, jelly, kitkat, Maple Story, McFly, muffins, music, nan quan mama, orange, photoshop 7.0, pizza, puddle-jumping, purple, radioblogclub, rainbows, rainy days, slacking, sweets, tahoma, teddy bears, bart simpson.





Chats






Past

November 2006.
December 2006.
January 2007.
February 2007.
March 2007.
April 2007.
May 2007.



Photobucket - Video and Image Hosting Buddies

  • AL
  • MikMik
  • STEPHANIE
  • RICHARD
  • ANNE
  • CYRILL
  • KIM
  • NIZ
  • ZEN
  • ROMMEL
  • GEE
  • MATS
  • ANDIANKA

    Credits

    Layout:
    shanquan
    Picture:
    falloutboy